Tuesday, February 14, 2012

Sariling Teorya sa Pag-ibig


May mga umaastang marami ang alam kung pa’no makapag move on sa sawing pag-ibig o dinaig pa si ate Charo kaka-payo para sa mga di pinagpala sa pag-ibig. Wala kasi akong alam kung pa’no magpayo dahil kahit sa mismong problema pag-ibig ko e, hirap din ako. Pero dahil pasikat ako at sawang sawa na sa mga payo kung paano makalimot sa masalimuot na nakaraan e, nag-isip ako ng mga teorya ko para hindi naman malimutan ang masasayang alaala ng sawi mong pag-ibig.
Hindi naman siguro masama kung iisip-isipin pa rin natin ‘yong masasayang alaala ng matamis na pag-ibig minsan sa buhay natin. Malay mo, kakaisip mo e, mapagtanto mo na nagmumukha ka ng tanga kakaisip dahil wala namang nangyayri. O di kaya’y magsawa ka na kakaisip.
Ito ‘yong mga ilang paraan para magmukha pa ring tanga kakaalala sa pagtataksil ng malandi mong kasintahan:
  1. H’wag buburahin ang numero n’ya sa selpon mo. Hangga’t maari e, kabisaduhin ito para kung manakaw ang selpon ma-text mo pa rin s’ya. Itext s’ya araw-araw. Minuminuto o kahit 3 beses lang sa isang araw.
  2. Balik-balikan ang makukulay na ngiti sa litrato n’yo. Muling isipin ang mga nangyari sa likod ng litrato.
  3. Muling kumain sa paborito n’yong restaurant baka sakaling matandaan kayo ng mga staff at tanungin ang kasintahan mo kung nasaan. Isagot mo sa nagtanong e, susunod o di kaya patay na. hihihi
  4. Gawing wallpaper ang litrato n’ya. Mas magiging mahirap kalimutan kung kayong dalawa ang wallpaper mo.
  5. Parating makinig ng mellow music o di kaya love songs. T’yak patuloy ang mag eemo no’n tuwing gabi at nag-iisa.
  6. Makipagkaibigan sa mga sawi din sa pag-ibig, mga bitter at emo. Muling alalahanin ang nakaraan. Walang humpay na flash back ang kakahinatnatan.
  7. Mang-stalk sa kan’ya bago matulog. Alamin mo kung ano ang nangyari sa kan’ya sa buong araw. Mapa fb, tumblr, twitter, friendster, plurk o kung anu-ano pang maaaring pag hugutan ng impormasyon. 
Kung magagawa ang nabanggit sa itaas e, dirediretso na ang mga iilang hakbang kung paano mapanatili ang pagiging tanga. Magiging likas at normal na ‘yon sa sistema mo. Sa huli, magtatagumpay ka na aasa pa rin at babalikan ng taong umiwan sa’yo. Kung hindi mo na makayanan e, ikaw na mismo ang mangiiwan. Magsasawa o mapapagod. Susuko.

No comments:

Post a Comment