Sunday, February 12, 2012

Heart speaks louder than my head


Ilang sandali na lang at kakalat na naman ang mga pusong papel sa daan, tsokolate, kending korteng puso, mga kakasibol lang na bulaklak at kung anu-ano pang shit dahil sa darating na balentayms. Ay, may nakalimutan pala ako.. Nagkalat din pala sa daan ang mga flyers ng mga nagbabagsakang presyo ng mga hotel o motel. 
Pressure na rin sigurado ang iilan sa pag-iisip na pwedeng pangregalo sa mga mahal sa buhay. O kung sa’ng restaurant ideddate ang nautong babae.
Pero ayon nga sa kanta ng isang sikat na tao, “heart speaks louder than the head”. Ewan ko lang a, pero siguro nga. Sigurado namang kahit ano pang paghahanda o surpresa ang maisip o kahit simpleng 3 salita e, okay na.Putang ina mo! Hahaha!
Hindi, kung mero’n kasi na babaeng ubod ng arte at kailangan pa ng ka-ekekan sa buhay at gusto ata ng mga Hermes o kung anu-anong pangchihuahua, mero’n ding na simple lang. Kahit magkasama lang kaso sa araw ng bukas e, pwede na. Kahit simpleng tambay lang sa park. O kaya humiga sa kalsada, hawak kamay ang kasintahan at sabay na magpasagasa. Swak! Ang gusto ko lang naman ipunto e, kahit walang materyal na bagay. Go with the flow! Basta kasama lang si mahal e, okay na.
PS.: Wag kayong maniwala. Lahat ng babae ngayon ay materialistic. Hahahaha! JOKE

No comments:

Post a Comment