Hindi naman inasahan na lalabas o may espesyal na bagay na mangyayari no’ng nakaraang balentayms. Bukod sa magkaaway kami e, hirap din akong kontakin ‘yong chix ko dahil wala akong selpon para konakin s’ya. Pesbokbok lang ang pinaka communication namin.
Pero dahil babae rin naman ako at naiinggit sa mga nilalang ng Dyos at pinagpala na nakatanggap ng kung anong kashitan no’ng araw na ‘yon.. Aminin ko man o hindi, nag-asam din naman ako na sana e, mag effort naman ‘tong chix ko na surpresahin ako kahit papa’no.
Nagmessage s’ya no’ng araw na ‘yon na magkita daw kami after ng work n’ya. Mga 9pm. Tumambay muna ko sa mga kaibigan ko para di na maabutan nila ina na lalayas ng bahay.
Bandang alas nueve naglakad na ko para hindi malate. Kung mamalasin ka ba naman, sa kakaiwas mo sa mga magulang mo e, nasalubong mo pa. Swak! Aatras na sana ako, pero dahil tawag ng pag-ibig e, hinirap ko na. Sabi ko kakain lang ako sa Mcdo. Pinayagan naman ako.
Saktong 9pm dumating ako sa tagpuan. As usual, late ang loko. Dumeretso lang kami sa Sunken, UPD para manuod ng fair. Ang saya! Ang dami nilang rides. Gusto ko sana pumasok kaso ang papangit pa ng mga kumakanta kaya nagmuni-muni na lang kami. Nag-usap. Pero di na tulad ng dati na sobrang kulit o daldal ko. Ayoko na ipakita sa kan’ya na madrama ako, masyado s’yang nagiging kampante e.
Mga bandang 1am, naglakad lakad at dumeretso na sa Mcdo para kumain. Gutom na gutom na daw kasi s’ya. Tapos, umuwi na kami.
O ayan ‘yong karanasan ko ngayong taon. kailan kaya may magsusurpresa sa’kin? Magandang gabi! :)
Oo nga pala, sino pupunta sa Friday at Sabado sa UP Fair? Kitakits! :D
No comments:
Post a Comment