Friday, February 3, 2012

Kapuso month

Ayon nga sa sabi nila at trending sa kung sa’n-sa’ng network sites — “goodbye January, hello February”
Ito nga daw ang buwan ng mga puso. Dati araw lang, ngayon ginawa nang buwan. Sigurado tuwang-tuwa na naman ang iilan dahil makakatanggap na naman sila ng matatamis na pagkain o mga nakakakilig na efforts at mga supresa.
Swak! Mukhang ito din ang pagkakataon ng mga taong matagal nang nanliligaw at naghahanap ng tsempo para makakuha ng pagkakataong marinig ang masarap at matamis na “OO”. Tiyak todo ang tipid sa pera para makaipon sa darating na katorse. Magtyatyagang lakarin ang daan pauwi para di na mamasahe imbis ipunin na lang ito. May iba ring maghahanap ng raket para magkapera at para mai-date ang nililigawan sa mamahaling restaurant. 
‘Yong iba naman na may ka-date na siguradong naghahanda na kung pa’no masusupresa ang kasintahan o kung pa’no ito mapapasaya. Nag-iisip na ng kung anu-anong raket para lang magpabida.
Kung ‘yong iba e, nag-iipon para sa pang date. ‘Yong iba, imbis na ipang-date ang naipong pera paniguradong dadalin lang sa turo-turo ang kasintahan at ang panghuli ang pagkakagastusan. Motel. Isang romantikong pagkakataon para makaiskor naman kahit papaano at makabawi sa pagtitipid na ginawa.
Kaniya-kaniyang istilo man ‘yan. Sana lang mapa single o double e, masaya ang bwan ng puso ang bawat isa.
P.S.: Hindi ako naglagay ng para sa mga single dahil, naniniwala akong kahit single ka sa valentine’s day.. Kayang kaya mong magsaya. SABEEE? :D

No comments:

Post a Comment