Friday, February 3, 2012

Dingdong!

Palubog na ang araw, pauwi na tayo galing sa kan’ya-kan’yang pinagtratrabahuan. Parehas bugbog ang katawan sa maghapong pagtratrabaho. Dumaan muna ako sa pamilihan ng mga kaarne, sa plano kong paglutuan ka ng hapunan.
Matapos mabusog ang sikmura, magpapalipas ng oras sa panonood ng paboritong laban ng basketball at UFC. Magyayaya akong manuod ng romantiko o nakakatawang pelikula para parehas tayong naaliw sa nakikita sa telebisyon. Pumayag ka. Sinalang ko ang luma nating paboritong pelikula. Lumipas ang oras hanggang mapagod ang parehas nating mga mata.
Nag-aya ka nang matulog at magpahinga. Tumayo ako para patayin ang ilaw at humiga na. Niyakap mo ko, humarap ako sa’yo at naglapat ang ating mga labi. Tumigil ang oras at nag slow-mo ang mundo. Gumawa tayo ng sarili nating pelikula.
Ayoko sanang matigil ang romatikong nagaganap kaso nagring ang selpon ko. Pucha, nangangarap nga lang pala ko tol. Ano ba ‘yan!!

No comments:

Post a Comment