Friday, February 3, 2012

Estudyanteng Alien

Ito ay base lang sa obserbasyon.
Sa isang banda ng pagtambay, hindi talaga maiiwasan ang pag-uusap ng mga kaniya-kaniyang opinion. Dahil ang tropa ay nabubuo ng estudyante galing sa iba’t-ibang departemento. Napunta na sa usapang mga kurso, kaniya-kaniya nang sabihan ng panlalait, este obserbasyon at opinion.
Sabi nila, sa Department ng CAS o College of Arts and Sciences madaming magagandang babae at maramig bakla at makakapal ang mukha. Ando’n kasi ‘yong kurso na MassCom at SF o Foreign Service. Syempre dahil peslak ang puhunan kailangan magaganda ang sumasabak sa mga gan’yang kurso. Ando’n din ang mga Psychologists na maliliit na babaeng mahilig magpacute.
Sa CBEA naman o College of Business Education and Administration, puro pacute din ang mga babae. Makakapal ang mukha ng karamihan at puro mga makulay ang mukha. Mga naka make-up din tulad ng sa CAS. Mga mukhang pera at mga kuripot. Pag may nakita kang lalaking nakatayo ang buhok, binder o pouch lang ang dala o isang notebook.. Isa lang ibig sabihin no’n, CBEA student ‘yon. Mga lalaking puro porma lang ang alam. Mga lalaking handang landiin ang baklang prof. para lang makapasa.
Pag nakakita ka naman mga lalaking naka bagpack o may dalang laptop tas nagkukumpulan at DOTA lang ang bida sa usapan, engineering students ‘yon. Madalang din ang babaeng  engineering student. Kadalasan mga minalas sa kagandahan at malulusog ang utak sa katalinuhan ang mga babae sa CE department. Ayon ngasa kasabihan ang mga lalaki ay magaling sa math kaya siguro wala gano’ng babae sa CE.
Makakapal na libro, eyebags, bagpack at laptop at laging nakapusod ang buhok naman ang mapapansin mo sa mga nursing students. Dahil sa mga experimentation, laging exam, at mga hindi mabasang medical words ang laging inaaral. 
Dala na rin siguro sa kaburyohan kaya kami napunta sa panlalait ng mga estudyante. Haha! Hindi ko naman nilalahat. Sa paaralan lang naman namin ‘tong mga obserbasyon na ‘to. Ang boring sa school no?

No comments:

Post a Comment