Sunday, February 5, 2012

Katuganom beybe

KAin+TUlog+GAla+iNOM = KATUGANOM 

Kung anu-ano naiisip eno? Tangina kung tataungin, ganitong ganito ka-wasted ang buhay ko. Crap. Trash. Mess. Pero di boring a. Palamuning gagong baboy ako ngayon. Kaya ito, linggo linggo ata akong nadadagdagan ng timbang.
Pero kung ako tatanungin, masaya akong ganito. Tahimik, masaya. Gago nga lang talaga. Kulang na lang mag weeds din ako o drugs o kaya manigarilyo para asteeeeg! O tapos makipag 1night stand kung kanikanino para totally crap! Haha.
Kung gusto mong gayahin ako sa living young, wild and free kong status sa buhay, eto (e) magpapakahenyo na naman para ishare sa n’yo kung pa’no:
  1. Una sa lahat syempre kailangan ikaw ang pinakatamad sa bahay. Walang ibang ginawa kung di humilata ng humilata. Kung nabuburyo ka naman kakailahata e gumalaw galaw ka, tulad ng panunuod ng tv o porn para mas pagpawisan ka talaga.
  2. At syempre kung ikaw ang pinakatamad sa bahay e, dapat ikaw din ang pinaka masiba sa pagkain. Hindi mo kailangang magpakababoy pero kung gutom ka e ‘bat mo pang titipirin ang sarili mo kung nasa harap mo na ‘yong pagkain?
  3. Pero kung nabuburyo ka na talaga at gusto mo naman ng konting sariwang hangin. Hawakan ang selpon at mag jeje-gm sa mga katropa upang yayakin silang tumambay sa pinaka malapit na park o suking tindahan. 
  4. Para mas mapasarap ang kwentuhan at pagtambay e, simulan nang maningil ng kan’ya kan’yang ambag para pambili ng alak at pulutan. Mas magandang simulan ang sesyon sa mga oras na tahimik ang kalsada o pasara na ang suking tindahan para mapilitang bumili na ng maraming alak. Oo, mga bandang alas dose ‘yon. Para syempre pagdating ng umaga hinog na ang lahat at pwede nang umuwi sa mga kan’ya kan’yang pribadong bahay. 
  5. At ang pinaka huli, pag uwi mo galing sa sesyon e, dumesertso sa higahan at matulog. Gigising ka na no’n na bandang tanghali na at sakto! Kainan na ulit.
Kung bitin ka sa mga nasambit sa itaas, maaari mo namang dagdagan. Tulad ng habang lumalaklak ng mapait na inumin ay magbalot ng damo at sindihan. Parang yosi lang ‘yan sabi nga nila.
Pero dahil aminado na ko sa panggagago ko, siguro naman natahuan na ko? Hindi pa ko nagsasawa pero minsan nakakatamod (tamad) na din. Parang gusto ko na din magbago. Darating din tayo d’yan. :D

No comments:

Post a Comment