Sunday, February 5, 2012

Emo shit!

Di ko malaman kung bakit ganito pakiramdam ko ngayon. Tangina, pakiramdam ko nag-iisa lang ako sa buhay. Forever alone ba. Parang gano'n. Kahit na alam kong kompleto naman ang buhay ko ngayon, maliban na lang sa mga luho ko. Pero 'yong mga tao sa paligid.. KUMPLETO.


May buhay pag-ibig naman ako pero pakiramdam ko ang cold n'ya. At ako. Wala akong nararamdamang init, pagmamahal, care, saya. Mapagaling sa kan'ya o sa'kin. Parang parehas kaming laging wala sa mood. Parang di namin namimiss ang isa't-isa. In short parang hindi na healthy 'yong relasyon. Bwisit! Ayoko nang ganito!


Mero'n din akong kaibigan, MARAMI. Pero pakiramdam ko WALA. Alam mo 'yong mararamdaman mo lang sila pag kailangan ka nila, pag wala silang kasama, kapag ramdam nila sa sarili nila na ayaw nila magisa. Pero ikaw? Pag ikaw ang nangangailangan sa kanila, puta walang wala kang aasahan sa mga 'yon!


hindi din naman broken family ang pamilya ko, alam ko kahit ga'no ako kagago di nila ako matitiis. At alam ko andyan lang sila kahit anong mangyari. Pero pag sa tuwing andito ako sa bahay, madalan lang kami mag-usap-usap. Lagi lang ako sa kwarto o kung sa'ng wala sila lalo na pag iritado ako. Ako na umiiwas kaysa maging gago ako kakasagot sa mga magulang ko.


Alam ko, GOD is always there. Ayoko mag-doubt kasi masama 'yon pero... ah ewan. Basta ayokong mag-doubt.


'Bat ang lahat ay napaka cold? Shit!

No comments:

Post a Comment