‘Yan ‘yong motto ng chix ko. Sabi ko kasi no’ng nakaraang araw habang humihithit s’ya ng ‘yosi sa pagtambay namin e, “suka is for the weak”. Natawa ko no’ng sinabi n’yang iba ‘yong motto n’ya, ayan nga.
Bigla kong naisip kung ilang beses na kong sumuka sa sesyon ng barkada. Syempre may mga pagkakataong gano’n talaga. Mabilis mag rumble ang loob ng tyan. Bigla akong napangiti, e di okay naman pala akong sumuka suka kahit nakakahiya. HAHA!
Sa pagkakatanda ko ang una kong pagsusuka sa sesyon, e ‘yong ando’n kami sa bahay no’ng kaibigan namin. Nawalan ata ako ng malay no’n tas bigla na lang bumulwak ng suka. Hahaha! Nagkaro’n lang ako ng malay no’n nung dinala na ko sa cr ng chix ko ang pinagbubuhusan ako ng malamig na tubig tas pinagagalitan n’ya ako na kung iba daw ‘yong kasama namin at wala s’ya, e siguradong nagahasa na daw ako.
Mero’n namang isa, nasa bar ata kami no’n. Sa Homers. Ang alam ko, wala ako sa mood no’n kasi may singaw ako. Masama pakiramdam ko. Wala akong kain. Tas bigla daw akong yumuko, ayon na, bumaha na. Nakakahiya lang kasi nasa loob kami ng bar no’n. Buti na lang e, walang gano’ng tao.
Ito, isang sesyon sa Homers, na binagsakan ko.
Ito ang tinatawag na, lashing.
Suka is for the weak!
No comments:
Post a Comment