Friday, February 10, 2012

Ang pagbabalik ni Jeric Raval





Kung palagi kang nakatengga sa bahay at walang ibang bagay pang aliw ng sarili ay ang telebisyon, tsanel kapuso (7).. Siguradong kilalang kilala mo na si Jeric Raval kahit hindi mo inabutan 'yong mga panahon ng kasagsagan ng karir n'ya bilang aksyon istar.


Kagaya ko, umay na umay ka na din siguro sa baby face ng artistang 'to at the same time e, curious ka kung sino ba talaga 'tong lalaking 'to na lagi mong napapanuod tuwing tanghali.


Sa sobrang curiosity e, niresearch namin ng kapatid ko kung sino ba talaga s'ya. Nabanggit ko rin kasi sa kapatid ko na hindi ko matandaan 'yong mukha n'ya no'ng bata ako at hindi ko s'ya kilala ngayon. Kaya naisip namin kung ano ba hitsura n'ya ngayong matanda na s'ya. 


Nagulat kami no'ng nakita naming may fanpage s'ya sa fb. Wow! Ayos sabi nga namin. May twitter din nga pala s'ya. Ayon do'n e, kaya s'ya nawala sa industriya e dahil na rin sa pagsasawa ng mga tao sa action films o bigla na lang nawala ang aksyon sa pelikulang pilipino. Kung napansin nga din natin na wala na nga ang action films. Nabalutan na ng horror, romantic o fantasy film ang industriya natin ngayon.


Anyway, mabalik tayo sa pagtataka namin ng kapatid ko. Dahil na rin sa pagtengga sa bahay e, may napapala din pala kami kahit konti. Nabanggit ko din sa chix ko 'yon ginawa namin, nasa channel 5 na pala si Jeric Raval sabi n'ya.


At ayon, wala na namang kwenta ang post ko ngayon. XD

1 comment:

  1. hindi ito walang kwenta, :)
    hehe :)
    ginawa yung fanpage nung pinakita sa Studio 23 yung movies niya..
    wala po siyang twitter or fb.. the @jericraval143 twitter na yung siguro nakita ninyo is a fanpage.

    ReplyDelete