Friday, January 13, 2012

PALPAK!

Sobrang tindi no'ng emosyon ko nitong nagdaan mga araw. Siguro nga sa simula lang ako magaling. No'ng una, kaya ko pa panindigan 'yong pinagyayabang ko na magiging matured na. Na hindi na magpapadala sa emosyon. Na aastang tigasin pagdating sa mga luhaang bagay. Pero mukhang hindi din napanindigan ng sistema ko 'yong pagpupumilit kong maging tigasin.

No'ng nakaraang araw, parang bigla na lang nagwala 'tong emosyon ko. Gustong kumawala sa likod nitong mukha kong alien na lahat, e wala sa tama. Na hindi ko na kayang tiisin lahat ng nasa dibdib ko. Tangina bigla akong naabnormalize. Parang bigla na lang umitim lahat ng paligid, paningin ko. Wala akong gustong gawin kung hindi isigaw lahat ng emo shit sa katawan ko. Gusto ko mambugbog, pumatay o kahit isang pektus lang sa bawat magdaraan sa harap ko. 

Nawala sa isip ko na sign nga pala 'yon sa pagiging isip bata e, 'yong ipangalandakan mo sa lahat ng facebook friends mo kung ano ang sinasapit mo lalo na sa buhay pag-ibig. Na isa sa mga sintomas sa pagiging isip bata ang magpost ng kung anu-ano tungkol sa mga hinanakit mo. Na tila ginawa mo nang diary 'yong account mo. Mukhang tanga lang no? Pero ginawa ko talaga 'yan kahapon. Tangina, sinumpong na naman 'tong sakit ko.

Wala akong nagawa kung di umiyak no'ng mga oras na 'yon. Napahiya ko ang sarili at ang taong inbolb dito. Napaka iskandalosa ko.

Huli na 'nong nahimasmasan ako. Huli na no'ng nagkaron na ko ng ulirat. Huli na no'ng naisip ko na mali lahat ng nagawa ko. Ang bobo ko talaga, matapos kong gumawa ng eksena e saka ako nagsisi. Palpak na naman ako bwisit!

No comments:

Post a Comment