Naglakad sa gitna ng dilim upang tunguhin ang tanging tindahang bukas sa mga oras na 'yon. Sakses ang paglalakad ng mahaba dahil nakauwi na may bitbit na isang litro ng lights, sampung pisong yelo, dalawang litro pack na manggang hinog at dalawang chicharong baboy na kasing liit ng mga tigpipisong chichiryang pambata na makikita sa suking tindahan.
Nagset up ng pangalawang sesyon sa gabing 'yon. Ako lang ang nag-iisang babae dahil mga tulog na ang iba. 5 kaming umupo sa tapat ng pinto, 3 ang lumalaklakat 2 ang nalalasing sa puro kwentong baon.
Inaalala ang mga nakaraan, nagsimula sa Voltes V. Hindi ko tanda kung ano ang titulo no'ng theme song o ender song no'ng kartun na 'yon. Malakas na tawanan at mga katarantaduhang nagawa no'ng elementarya at high school ang bida. May mga lomobong sipon sa nasabing kwento o di kaya'y pang-aasar. May nabalikang unang pag-ibig. May mga naalala na mas lalong nakapag patatag ng samahan.
Relax lang ang drama ng lola mo, tamang upo, swabeng pakikinig ng mga istoryang pambata at tanging malakas na halakhak lang ang lagi kong naisasagot. Sa isang banda, BOOM! Wala na akong maalala. Siguro bagsak na 'ko sa mga oras na 'yon.
Alas otso ng gabi umalis ng bahay at alas tres na ng hapon nakauwi. Sakit ng ulo, pagsusuka at kwento na lang ang na baon ko mula sa sesyon na 'yon. At ngayon, mukhang sabog pa rin dahil hindi masyadong sigurado sa mga salitang dapat gamitin at itype sa pagyayabang ko na 'to. Hindi pa rin naliligo hahaha!
No comments:
Post a Comment