Tuesday, January 10, 2012

Hindi naman siguro masama

Hindi naman siguro masama kung sabihin kong medyo malungkot ako ngayon. May konting iyak. Hindi, sobra pala. May konting sama ng loob. At medyo mugto pa ang mga mata. Hindi rin naman siguro sira ang dangal ko kung sasabihin kong umiyak ako kanina sa kalsada? Tangina, asa'n ang angas ko?!


Puta hindi ko napigilan ang paghagulgol ko. Hindi ko naisip na maraming tao. Na may mga ungas na gustong makichismis, mapa-naglalakad o mismong tao sa umaarangkadang pampubliko o pribadong sasakyan. Wala akong pake! Basta gusto kong umiyak. Ang hirap lang pangatawanan lahat ng plano ko. Ang hirap magpigil ng damdamin lalong lalo na kung alam mong hinding hindi mo na kaya.


Naging talkshit na naman ako sa pangako kong kokontrolin na ang anumang emosyon. Nakaya ko naman e, pero 'bat sa pagkakataon na 'to e, palpak ang istratedyi ko?!


Hindi ko lang kasi maintindihan kung bakit may mga taong likas na gago. 'Yong tipong walang pakealam kung nakakasakit na sila. Alam mo 'yong sobrang ang dami mo nang ginawa, sinakripisyo, tiniis. Tangina! Hindi sapat ang salitang TANGINA para makapawi lang ng sakit!!







No comments:

Post a Comment