Thursday, January 19, 2012

Mahirap maging matalino

Hindi ko alam kung pa'no sisimulan 'tong kwento na 'to. Naisip ko lang kasi dahil sa puputok na ata ang kokote ko dahil sa hirap sagutin no'ng enexam namin sa Business Math no'ng nakaraan. Lunes ata 'yon. Tangina first time kong makaranas na wala talagang maisagot dahil kahit anong gawin kong pag-circus sa kinauupuan ko e, wala talagang malabas ang utak ko. Kung tutuusin napakadali ng  exam. 4 na tanong/problems, kada tanong 25 na puntos ang katumbas.

Lahat na ng santo tinawag ko, pero 'bat wala talagang lumalapag na anghel para iligtas ako. Gumawa na rin ako sarili kong dasal ngunit wala talagang nais tumulong sa'kin. No'ng pagkaabot na pagkaabot sa'kin no'ng test paper e, parang gusto ko kagad ipasa pabalik. Tangina, aminin ko na, WALA TALAGA AKONG MAISAGOT.

Dahil halos lahat kami e walang maisagot, gumawa na ko ng sariling paraan. Kapit patalim na. tinawag ko kaagad 'tong katabi ko at hiniram ko ang notes n'ya. Swak!  Walang kwenta 'yong notes n'ya. Solusyon lang ang nando'n at walang problem. Pa'no ko maiintindihan kung pa'no ginawa 'yong sagot. Malas talaga.

Wala na kong ibang nagawa kung hindi utoin 'yong katabi ko sa kaliwa na pakopyahin ako. Hiniram ko 'yong answer sheet n'ya at nagpauto naman si gaga haha! Wala na kong pake kung tama o mali ang sagot n'ya atleast may sagot. Kung mali man, siguradong maaawa 'yong prof. no'n at bibigyan na lang ng puntos ang effort para sa pagpilit na pigain ang kokote upang sagutan lang 'yong imposibleng tanong na 'yon.

No comments:

Post a Comment