"I still have my real friends."Natawa lang ako. Alam ko kasi na ako 'yong pinaparinggan n'ya. Hahaha!
Ito kasi 'yong nangyari kahapon. Tapos na akong mag exam for that day tas s'ya mero'n pa. Pero dahil parehas kaming may ka-meet ng 2pm hinintay ko na lang s'ya. she left her bag beside me, she just brought her phone. At akala ko kasama din 'yong wallet n'ya so wala akong pake kung iwan iwan ko lang 'yong bag namin sa pinagtambayan namin. Wala din naman kasing gano'ng tao that time. Nag CR ako pero dala ko ang dalawang bag. Tangina ang bigat pala ng peke-n'yang-feeling-rich-at-may-class-na-bag. After ko mag cr, bumalik ako sa pwesto namin. Akala ko 30min-1hr lang s'ya mag-eexam. Pagdating ko do'n sa pwesto namin wala pa s'ya. So iniwan ko 'yong bag at nagtingin-tingin sa bulletin board ng mga org. Tas nakita ko 'yong classmate ko, nakipagchikahan ako. May tumawag din pala sa phone ko. So okay lang sa'kin kahit maghintay ako ng 1hr and a half kasi madami dami naman akong nagawa. To cut the story short no'ng hindi na kami magkakasama, tinext n'ya ko kung iniwan ko daw ba 'yong bag n'ya. Sabi ko, oo. Nawalan daw kasi s'ya ng 500 bucks. The heck di ba? E sa'kin n'ya lang iniwan 'yong bag n'ya.
Hindi ko alam kung pinagbibintangan n'ya ako o nagagalit s'ya dahil pinabayaan ko 'yong bag n'ya. Nakakairita. Pero di naman ako guilty kasi wala naman talaga akong ginawang masama. Nakakatawa lang, dahil sa simpleng at iisang pagkakamali sukatan n'ya ng tunay na kaibigan. Okay lang, it's not my loss. Hindi din ako mukhang pera at gold digger ahaha!
kaya nga pala 'yan ang titulo ng blog na ito kasi 'yan 'yong subj. n'ya no'ng panahon na 'yon.
No comments:
Post a Comment