Kanina lang ata ako ulit nakapasok sa eskwla simula noong nauso 'yong christmas party at year end party last year. Parang June o July, parang unang araw pa lang ng eskwela. O parang bagong lipat ako sa eskwelahan na 'yon. Hehe, tinatamad na kasi talaga ako magpapasok. (sabe ng eskwela)
Sa aking paglalakad papasok e, parang napansin kong nakatingin sa'kin 'yong mga taong karaniwang dinaanan ko. Sa isip-isip ko gano'n na ba talaga ako ka-mukhang hindi estudyante. Parang bagong silang ako ng nanay ko na tila bagong mukha sa mundo.
Pero aamin naman ako na medyo nanibago ako. Muli parang nilalamon ako ng katamaran. Medyo wala ako sa mood para makipag gaguhan sa mga taong nakikita ko. Mga taong mukhang alien. Ehehe~
Dahil lumiban sa klase 'yong prof. kong bakla na hindi ko matsempuhan na pumasok pag pumapasok ako e, wala akong ibang naisip na gawin kung di tumambay. Mga bago rin naman sa paningin ko 'yong mga taong palakadlakad na parang natatae dahil sa hindi mapakali. Hindi ko naman kasi sila mga ka-batch. Ang malas ko lang talaga dahil sa pag gagago ko sa klase at hindi pagpasok e, napag-iwanan na ako ng mga ka-batch ko. Kaya ito, nagtitiis na lang ako sa mga pagmumukha ng mga nakikita ko.
Sa isang oras kong pagtanga sa lobby na puno ng ingay dahil sa mga malalanding at puro yabang na estudyante, hindi ko maiwasang tignan at husgahan sila ayon sa mga nakikita ko sa kanila. Mga pagmumukha, pananalita, kilos, porma at mga laway nilang lumilinya sa pagitan ng mga labi nila.
Iba't-ibang mukha, iba't-iba interpretasyon. May tila problemado dahil sa kasintahang tanga; May tuwang-tuwa dahil nakakupit sa inang hirap na hirap sa trabaho; May nakangisi dahil sa naka iskor kagabi sa syotang maiksi kung magsuot ng shorts; o kaya naman may iilang mukhang pinaglihi sa alien; o may iilang mukhang inabot ng ilang oras sa salamin para iguhit ang mukha ayon sa kagustuhan; o kaya pinilit na itayo ang buhok na hapong-hapo na sa kapal ng gel na ipinahid.
Wala naman akong pake kung sabihan ako ng kung anu-anong masasama dahil sa sinabi kong 'to. Sa isip ko lang naman ito. Interpretasyon at hindi lait ang habol ko. Sigurado naman akong mas matindi pa interpretasyon nila sa'kin dahil mukha talaga akong tanga kanina e.
No comments:
Post a Comment