Friday, January 6, 2012

Makikinig lang ako

Hindi ko makapa ang sarili ko bat’ napaka dami kong naiisip pag ganitong hindi ako natutulog o madaling araw. Siguro na lang kasi e, tahimik at maraming pumapasok sa kokote ko pag ganito. Swabeng tanga lang, nakalapat na ang likod sa kama at nakatitig lang sa kisame. Tas konting soundtrip. Narerelax talaga ako paggano’n lalo na pag alam kong wala akong problema o hindi ako binibigyan ng sakit ng ulo ng chix ko.
Sa totoo lang, kakapatay ko pang ng kompyuter, nakahiga na nga ako sa kama. Patulog na. Soundtrip ng kaunti oara medyo relax nga. Nag gm para ibroadcast na matutulog na. Tamang goodnight lang naman. Pero, hindi ko talaga matiis. Imbis na i-private message ko ‘tong kaibigan ko sa pag-eemo n’ya, pinag-pangkahalatan ko na.
Nag-away kasi ata sila ng boyfriend n’ya. Gusto kong magtanong, gusto ko maki-chismis, gusto ko makialam. Pero pusang kinalbo! Alam kong pribado nilang buhay ‘yon. Kaya naisip ko na ‘wag nang makialam. Ayoko makigulo sa gulo, na gulo nila at DAPAT sa kanila lang.
Sinabi ko sa gm kong pang-jejemon na hindi sa wala akong pakialam. May paki ako. Gusto ko makialam pero dahil naisip ko na ngang magpaka matured ngayong bente anyos na ako e, iniisip ko muna lahat bago ako gumawa ng hakbang. Ayon nga, naisip kong wag silang pakialaman sa pribado nilang buhay. Mas mabuting ‘wag na akong sumabat o makisawsaw sa kung ano ang mero’n sa kanila. OKay na ako na ganito, taga pakinig na lang ng lahat ng hinanakit mo. Okay na ako na ganito, na tatango na lang sa lahat ng sinasabi mo. Hindi ko dapat panghimasukan lahat ng ‘yan dahil buhay mo ‘yan. Alam o hindi ko man alam ang buong nangyari, hindi dapat.
Sapat na ko sa nasigaw mo ‘yang hinanakit na sasabog d’yan sa dibdib mo. Isigaw mo! Sa bundok, sa maraming tao, sa syudad, sa palengke, sa mall, sa gubat, sa harap ng dagat, mga damo, ipost mo sa fb, isigaw mo sa blog o kahit gm. Mas gustong ngumawa ka sa sobrang sakit na nararamdaman mo. Ilabas mo lang lahat ‘yan. Basta ako andito, ready ang tissue o pagtapik-tapik sa ligod mo habang humihikbi ka.
Hindi ako showy-ng kaibigan, hindi din ako marunong mag-calm. Pero sana sa paraang naiisip ko e, gumaan kahit papaano ‘yan bigat na pinapasan mo.

No comments:

Post a Comment