Monday, January 9, 2012

Hindi ko alam kung pa'no simulan 'to. Ang gulo kasi ng isip ko. Ang daming gustong sabihin pero di alam kung pa'no pagsunod-sunorin. O sige ganito na lang..


Hindi naman porque nakapag-aral ang isang tao sa kolehiyo e, maswerte na 'to. Siguro kung makapagtapos, tas nakapag trabaho. Pero sa panahon ngayon? Swerte mo na siguro kung makakuha ka kaagad ng trabahong nais mo.


Pero syempre bago mo makamtan 'yang mga bagay na 'yan panigurado may mga balikid 'yan. Isa na siguro do'n e, maging irregualar student. 


Tangina, kung ako tatanungin kung ano ang pinaka pinagsisisihan ko sa buhay e, ang pagiging irreg. Napaka daming paghihirap! Minsan talagang di maiwasang marandaman mo 'yong katamaran na bumabalot sa'yo dahil sa irreg ka. Parang gusto mo nang huminto at magtrabaho na lang.


Para maintindihan n'yo lang, ito ang ilang senaryong mararanasan ng isang irreg.:

  • Malamang sa malamang, ikaw ang loner sa room. Totally O.P., totally outcast, totally a loner, Forever alone! Dahil na din sa block sila, close at magkakakilala na sila simula pa lang.
  • Lagi kang nasa likod nakapwesto. Sa likod na nga, sa gilid pa ng likod. Wala kang close friend o kahit kaibigan man lang na tatabihan kaya naisipan mo na lang na laging sa likod.
  • Kung tatamarin ka naman pumasok dahil sawang sawa ka na sa trato ng iba sa'yo sa loob ng room.. Ikaw ang taong laging pakalat kalat sa corridor, naghahanap ng kakilala upang pagtanungan kung ano ang ginawa nila no'ng nakaraang meeting o para magtanong kung ano ang mga takda.
  • Ikaw rin ang madalas na walang kagrupo pag tuwing may groupings. Tangina ng propesor mo kung hindi ka aalalayan sa mga pinapagawa n'ya sa klase.
  • Minsan din, pag nakaliban ka sa klase kahit isang meeting lang.. mahihiya ka nang pumasok sa klaseng 'yon for the rest of your whole life.
  • Ikaw din ang laging hindi maka-relate sa mga tina-tackle ng prof. mong ungas. Kung baga, bigla na lang tatawa ang buong klase dahil sa cornyng jokes nito. E mga sipsip e~
  • Madalas din tanungin ng monitor o president o secretary ang epilyido mo para sa attendance. Kabisado nila ang pangalan ng buong klase liban sa'yo.
  • Madalas kang tahimik at walang imik sa room. Selpon mo lang ang tanging kaibigan mo. GM ng GM kung walang ka-PM may magawa lang.
  • Natuto ka na ring magdrawing. Nagdro-drawing ka ng kung anu-ano lalo na ng mukha ng prof. mong gago dahil ayaw mong makinig sa mga kwentong buhay n'ya na pinagyayabang n'ya. Kunwaring inspirasyon para sa in'yo pero ang totoo, nagyayabang lang sa mga achievements sa buhay. Wala kasing binatbat 'yon sa mga natamo ng mga kaibigan n'ya kaya sa in'yo nagyayabang.
Ito ay ang iilang senaryo. Kaya madalas na kakilala kong irreg. e, kung hindi tumigil e, puro drop dahil sa mga naranasan tulad ng nabanggit sa itaas.


Hindi ko sila masisisi, ramdam ko.

No comments:

Post a Comment