Sa mahabang pagkakatulog ko, malamang nanaginip ako. Pilit kong sinasariwa ang lahat. Ilang saglit lang e, nalimot ko na kaagad lahat ng nakita ko sa pagkakapikit ko. Ang pagkakaalam ko lang, masalimuot ang buong pangyayari. May dugong dumanak, may nahimlay ng hindi dapat. Masaklap. Ayokong balikan pero pilit kong iniisip kung sino ang mga nakasama ko.
Kung di ako nagkakamali, mga kaklase ko 'yon no'ng elementarya at 'yong ilan e, kaibigan ko dito sa Luzon ave: 2 lalaki at 4 kaming babae.
Ang kwento e, magswi-swimming kami sa isang resort. 3pools. 'Yong isa ni-rent namin para sa'min lang. Private ba. Tas do'n ko na hindi matandaan kung ano ang mga naganap. Basta ang alam ko e, may namatay isa sa mga lalaki at may pumatay na hindi naman namin kasama. Ang gulo! Naguguluhan ako.
Natatakot ako kasi minsan napra-praning ako. De javu ba. Ayoko maranasan 'yong mga gano'ng pangyayri. Ayoko masaksihan. Ayoko.
No comments:
Post a Comment