Thursday, January 5, 2012

Irregular class

Alam mo ‘yong feeling na hinila mo lang ‘yong sarili mo sa kasarapan mo ng tulog para pumasok? Isa kasi sa mga naisip ko na babaguhin ko sa sarili ko e, ‘yong pagkatamad ko sa pagpasok. Kaya ito nagpupumilit na pumasok sa eskwelahan. Kunyaring masipag. hihi.
Gusto ko sana iayos ‘yong buhay estudyante ko ngayong taon para pwede pa ring idikit ang salitang cool sa pangalan ko. Hahaha! Ang kaso tila hindi sang-ayon sa plano ko ang panahon at ang mga B.I. kong katropa. Biruin mong wala kahit anong bakas nila ang nasilayan ko kanina sa paaralan ng kaburyohan. Nak ng palaka talaga o. Mukhang nag-usap-usap ang mga daga para hindi magpakita.
Kung tatamaan nga naman ng malas o. Ang aga kong bumangon at pinilit ko lang kumbinsihin ang sarili ko na pumasok. Naka 4 na pamasahe din ako. Kung bakit ba naman kasi hindi ako nainggit dito sa tamad kong kapatid na hindi pumasok e.
Eto (e) na nga, pag dating ko sa iscool, maaga-aga pa bago mag-time. Sakto! Sakto sa oras. Tama lang. Napansin ko na parang tahimik ang buong campus, tae hinihinala na ako. At ‘yon na nga, habang naglalakad e siguro sa buong building 3 rooms lang ang nakita kong may masipag na prof. Wow!
Tinawagan ako no’ng isa kong tropa.. ay, friendship pala. Haha! babae kasi ‘yon. You know, girl chic. haha. Sabi n’ya nga bukas pa sila papasok. Nak ng tinapa. Ang saya. :)
No’ng una, nakuha ko pang maghintay para sa next class e. Kaso mukha unti-unti na kong nilalamon ng katamaran. Ayon, napauwi na din. Hahaha at ngayon. ito nagtatype na. :)

No comments:

Post a Comment