Tuesday, January 24, 2012

Hentay ka lang kasi!

Kakagising ko lang, sira pa rin ang buhay dahil hindi pa rin pumapasok sa school. Gawain ng ayaw na talagang mag-aral. Swerte ko lang e dahil busy ang mga magulang ko sa trabaho. Medyo awa na rin sa kanila. Ayoko lang pumasok ngayon dahil sabihan ng grado para sa mid-term. Tangina hindi ako interesado, alam ko na kung ano grado ko dahil sa dalang kong pumasok.


Pero hindi 'yon ang bida sa kwento ko ngayon. Dahil bansag akong batugan dito sa bahay e, nanaginip ako. Isang hindi kong maisip na panaginip.


Hindi masilayang mukha ng dalawang babae, madilim, mainit. Pero tila abot ng aking mga mata ang kurba ng kanilang katawan. "Putangina! Wala ata 'tong mga damit." Ngunit ang pinaka nakagulantang sa'kin e, unti-unti silang papalapit. Nagtatalo ang isip ko kung bakit sila lalapit sa'kin. Anong mero'n?! Asa'n ba ko?! Hindi ko napansin ang sarili ko na wala ring saplot. "Pukinangina talaga!". Wala akong kahit anong ideya para dito. Napapikit ako sa takot ko. "Bahala na lang", sigaw ko sa isip ko.


Unti-unti kong nararamdamang may lumalapat sa labi ko, ayokong dumilat sa takot na makita ko ang mukha nila. Nararamdaman ko ding may nakalapat sa tits ko. Natataranta na utak ko kung ano ba talaga ang nangyayari. Puta gusto kong tumakbo! Madaming naganap na hindi dapat maganap, gusto ko na talagang idilat ang mga mata. Ididilat ko na! Pucha bahala na!!!!!


Pagdilat ng mata ko, nagising ako sa kabaliwan ng panaginip ko. Salamat sa Dyos natapos na rin. Nagising ako na pawis na pawis at tulo laway hahaha! Ang wirdo ng panaginip ko. Inisip ko kung ano ba iniisip ko kagabi bago ako matulog. Naalala ko, nanuod ata ako ng Hentai. Hahaha!

No comments:

Post a Comment